Thursday, January 15, 2009

WALANG HANGGAN

Mahal ko si Levi. Mahal na mahal ko sya. Pero may mahal syang iba…
si Keith. Walang alam si Levi sa nararamdaman ko para sa kanya.
Ang alam nya kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Wala akong lakas
ng loob sabihin ang nilalaman ng puso ko dahil sa takot na baka iyon
ang maging ugat ng paglayo nya sa akin.

Highschool pa lang ay mag-kaibigan na kami. Alam nyang hindi ako
tunay na lalaki. Pero ang ikinagulat ko ay ng malaman ko ring lihim
nyang itinatago ang kanyang tunay na pagkatao. Habang tumatagal ay
lumalalim ang pagtingin ko sa kanya pero wala syang ipinapakitang
interes o higit pa sa turing nyang pagiging kaibigan ko. Lihim ko
na lamang syang minahal. Totoo na umaasa ako na sa huli ay magiging
kami.

Nang malaman kong sila na ni Keith, halos madurog ang puso ko. Pero
magaling akong magtago ng hinanakit.

Si Keith….bakit si Keith?

Kilala sya bilang callboy sa university. Kinakalakal ang sariling
katawan. Alam kong alam ni Levi ang kwento tungkol sa lalaking
ito. Bakit si Keith?

Kahit anong pilit ipaliwanag sa akin ni Levi ay hindi ko talaga
maunawaan. Natatakot ako para sa kanya. Baka masaktan lamang sya
kay Keith. Baka pera lamang ang habol sa kanya ni Keith. Pero ang
totoo… nagseselos ako. Bakit hindi ako?

"Ginawa lang naman nya yon para makapagpatuloy sa pag-aaral."
Paliwanag ni Levi.

"Ganoon naman talaga eh, either pang tuition, pang gamot sa inang
maysakit, you know the trade Levi. They will say anything just to
justify yung pagbe benta nila ng laman. "

"I don't want to argue with you Randy. You're my friend. Sinabi
ko `to sa yo hoping that you will support me. That you will
understand me." Malungkot ang boses ni Levi.

I knew he was hurting sa mga sinabi ko. "I'm sorry Levi… I'm just
worried that he would use you."

Levi smiled at me "You don't have to worry Randy. Alam kong mahal
nya ako. Nararamdaman ko."

………………………………………………………………………………



Levi thought that that was the end of it. Hindi nya alam I still
have my doubts about Keith.

I was surprised when Levi asked to speak with me and told me this.

"Keith told me na hihinto na sya sa pagko callboy."

"Do you believe him? Paano na ang `pang tuition nya'?"
sarkastikong tanong ko.

"I told him I will help him."

"HUH!!! What are you thinking Levi? Ito na nga ba ang sinasabi ko…"

"I have more than enough naman. And he did not asked me. I
offered it to him. Ayoko ng ipagpatuloy nya ang ginagawa nya."

"Ano na lang sasabihin ng parents mo pa nalaman nila yan."

"They don't care about me. Hindi ba't nag alisan na nga sila
abroad. Sobra-sobra ang pinapadala nilang pera. I can use that to
help Keith."

"Well, it's a done deal na pala. So why ae you telling me this pa?"

"Because you're my friend Randy. You're the only one that I have
aside from Keith."

"Sana nga hindi ka nagkamali sa desisyon mo `tol. Don't trust too
much."

………………………………………………………………………………
……………

Lalong tumindi ang paghihinala ko na Keith is just using my friend.
If Levi is blinded by his love then it is my duty to protect my
friend mula sa oportunistang gaya ni Keith.

"Hello?"

"Yes, is this Keith?"

"Opo, sino `to?"

"Hi, this is Michael. You were referred to me by a friend. Pwede
ka ba?"

"Sinong friend? Sorry ha, graduate na ko dyan eh."

"Bakit naman? I will double your rate, pagbigyan mo lang ako."

"Sorry po talaga. Di na ko pwede."

"Kung pera lang ang dahilan, walang problema sa akin. Name your
price."

"Hindi po pera. Talaga pong huminto na `ko."

"Ok, in case you change your mind, you know my number."

"Thank you na lang po."

Still I am not convinced na hindi papatol si Keith. Pera lang ang
katapat nya. Pasasaan ba at bibigay din sya. Pagpu-puta ang
bumuhay sa kanya, yon din ang babalik-balikan nya.

………………………………………………………………………………
…………..

I was an unwilling witness sa relasyon ni Levi at Keith. Levi would
always tell me how much he loves Keith and their plans. I can see
glitters in his eyes tuwing magku kwento sya about Keith. Ganito si
Keith… Ganyan si Keith… puro na lang si Keith….

Dumating sa puntong he would spend more time with him and he would
see me less. But Levi never ignored me. Not even once. Kahit
hindi kami nagkikita, he would see to it na makapag text ako
makatawag sya upang kamustahin ako. But that's not what I need.
That is not what I want.

I know he is very much in love with Keith. But I always doubted
Keith's feelings and tru intetentions sa kaibigan ko.

………………………………………………………………………………
……………..

Two months have passed and I received a call from my friend, Michael.

"Pumayag na sya."

"Really? How did you do it?"

"Yes. He called. For TWENTY THOUSAND."

"Huh! That's expensive for a one night stand. Ano sya artista? Pero
sabi ko na nga ba may katapat din sya. You can take the boy out of
the trade but you can never take the trade out of the boy. Bakit
daw nagbago ang isip nya. Kailan daw?"

"Tonight. Pang piyansa daw ng brother nya."

"Do you believe him?" tanong ko.

"Randy, these people will use all kind of excuses but will never
admit na pera lang talaga ang usapan. Who knows he might use the
money for drugs or pambili ng kung ano-ano."

"I know… I know…"

Finally, I can prove to Levi kung anong klaseng tao ang pinulot
nya. Keith does not deserve somebody like Levi. He's a male
prostitute and he will always be one.

………………………………………………………………………………
…………….

Michael and I hatched the plan.

9 pm. Dumating si Keith. Sinalubong sya ni Michael. I was in the
other room, listening. I heard him asked for the money first. Sa
loob-loob ko, tuso talaga. Michael asked Keith to sit down muna
habang kinukuha nya ang pera. But the truth is, he will also call
Levi to inform him na kailangan sya ni Keith sa address na `yon. He
hangs up even before Levi could ask a question.

Levi tried calling Keith's mobile but his phone is off. He got
worried. Anong problema ni Keith? Should he come?

I knew he would.

Michael handed the money to Levi. Surprisingly, hindi na nya
binilang. And then the show started right there sa living room.

What can I say; the guy is a professional sex worker. He knows how
to please his client. They were in the middle of their tryst nang
sunod-sunod ang katok sa pinto. Michael advised Keith to just cover
himself but don't dress up. Michael answered the door wearing
nothing but his underwear. It was Levi.

Hindi na nakapagtanong si Levi. He immediately saw Keith sitting on
the sofa almost naked.

"Levi?!?"

"Keith… what is this?........ why?"

Pareho silang hindi handa sa masasaksihan. I know I have succeeded
in showing Keith's true color to my friend. Victory is mine.

Hindi na pumasok si Levi. Tumakbo sya palayo sa lugar. Keith
immediately run after him. A loud screech broke the silence.
Kasabay ang lagabog.

Nasagasaan si Levi.

………………………………………………………………………………
……………

I was there waiting outside the emergency room…. crying. Hindi
kasama sa plano ito. Hindi dapat nangyari ito.

Isang kamay ang tumapik sa aking balikat. "He's in a very critical
condition. We have to inform his family." Sabi ng doctor.

"Will he survive doc?"

"Lets just hope and pray for the best. Hijo, he needs his family
now."

Sa labas ng hospital, tinawagan ko ang mga magulang ni Levi dahil
sa nagyari sa kanilang anak at sa kalagayan nito. Pagbalik ko ay
nakita ko si Keith sa labas ng ER, umiiyak.

"IT'S ALL YOU'RE FAULT KEITH…YOU SHOULDN'T BE HERE!!! LOOK AT MY
FRIEND… HE'S THERE BECAUSE OF YOU!!!..…"

I wasn't able to control my emotions. I saw people looking at us.
Looking at Keith…

Keith just stared at me and continued crying…. "Sorry….sorry….." And
then he left…..

Hours passed. Lumabas ang doctor.

"He's still in a very critical condition. There's a great chance na
maka survive sya pero there will be complications…"

"Anong complications doc?"

"Hindi na sya makakakita muli……. I'm so sorry….."

"Huh! What about operation? There must be some other ways Doc."

"Yes there is but it should be immediate. We've checked the eye
bank and we have already signed him up. Marami ring patients na
naghihintay. Time is of the essence if we cannot proceed with the
surgery now, habambuhay na syang magiging bulag. You need to take a
rest hijo. We're doing everything. We are taking care of your
friend. Umuwi ka muna at magpahinga."

I can hardly hear what the doctor is saying. I went straight to the
chapel and prayed. I never prayed so hard in my life. I ended up
asking for forgiveness…

.……………………………………………………………………………
………………

"Randy…. Randy……" naramdaman ko ang kamay na tumatapik sa balikat
ko.

Masakit ang ulo ko. Pati katawan ko ay masakit din. Nakatulog na
pala ako sa chapel.

"Tita?" pagmulat ng aking mata ay mother ni Levi ang nakita ko agad.

"Nakatulog ka na pala dito…."

I checked my watch mag a- alas syete na pala ng umaga.

"Tita si Levi…" at nagsimulang dumaloy muli ang aking mga luha.

"He's ok now. Stable na ang condition nya. Katatapos lang ng
operasyon nya."

"Gusto ko syang makita Tita."

Lumakad kami papunta sa kwarto ni Levi. There I saw Levi's father
na nakaupo sa tabi ng kanyang anak. Nginitian nya ako at niyakap.

"Randy…. Thank you. He's safe now."

Nakaramdam ako kahit paano ng ginhawa…

"…..But who is that boy?" tanong ng father ni Levi.

"Po?" nagtatakang tanong ko.

Hindi ko napansin na may isa pa palang kama sa tabi ni Levi.
Lumapit ako…. Si Keith.

"The doctor said that he came last night and approached them upang I
donate ang mga mata nya for Levi. Why would he do that?"

I couldn't speak. Luha lamang ang tanging naisagot ko sa mga
magulang ni Levi. I excused myself…. I need to go out of that
place…..

………………………………………………………………………………
………………

"Wala ho si Keith eh. Ako ho ang nanay nya." Pakilala ng isang
matandang babae.

"Ako po si Randy. Kaibigan po ako ni Keith. Yung brother po nya,
nakalaya na po ba?" pakilala ko.

"Hindi pa nga eh. Ngayon sana namin pipiyansahan . Kaya lang hindi
pa sya nakakauwi, kahapon pa nga umalis. Ang paalam nya, maghahanap
lang ng pera."

"Ganon po ba? Saan po ba nakakulong ang brother nya? Ako nap o ang
mag-aasikaso… …."

………………………………………………………………………………


Alam kong napakalaki ng kasalanan ko kay Levi at Keith. Nabulag ako
ng pag-ibig ko para kay Levi. Hindi ko na nagawang magpaalam sa
aking kaibigan. Kailangan kong lumayo. Magpakalayo-layo. Isang
sulat ang iniwan ko para sa aking kaibigan.

………………………………………………………………………………
…………..

Epilogue:

"Dito po ba nakatira si Keith?"

"Dito nga…" sagot ng bata.

"Nasaan sya?"

"Nandoon sa plaza….."

Nagmamadali ang lalaki. Parang hinahabol sya ng oras. Sa plaza,
nandoon ang kanyang hinahanap. Halos hindi na nya makilala ito.
Payat at marungis. Nakaupo ito sa konkretong bato hawak ang isang
kahoy na kahon na naglalaman ng mga sigarilyo at kendi.

Marahil ay naramdaman ni Keith ang mga yabag na papalapit.

"Boss, kendi? Sigarilyo?..." alok nito kasabay ang mapait na ngiti.

"Keith….?"

Napatigil si Keith. Kilala nya ang boses. Hindi sya maaaring
magkamali.

"…L..Levi?..."

"Ako nga Keith…. Hinanap kita… matagal na…." at hindi na nya
napigilan ang maluha dahil sa kalagayan ng kasintahan.

"Patawarin mo ako Levi….. matagal ko ng pinagbayaran ang…."

"Wala kang kasalanan Keith. Malinaw na sa akin ang lahat….."

" Pe…pero…."

Hindi na nagawang tapusin ni Keith ang gustong sabihin. Naramdaman
nya ang yakap ng kasintahan.

"Nandito na ako Keith….Mahal na mahal kita…..Hindi kita
pababayaan……."

Lumuha ang langit ng araw na `yon. Kasabay ng ulan ang pagdaloy ng
tunay at walang hanggang pag-ibig.

Friday, January 2, 2009

BEST FRIEND

Friends, hope you enjoy the story below. Don't all gay guys wish that their straight crush is gay and all the more if your crush is your straight best friend. I cried buckets of tears reading this and I'm sure you will, too. Haha!

"Bro, hindi ka ba nalilibugan sa akin?"


"Gago!!!" sagot ko kay Joey sabay tawa. Pinagmasdan ko ang mokong, nakaharap sa salamin, tinitingnan ang sariling repleksyon at pa posing-posing pa. Shorts lang ang suot nya at tila isang wrestler na inii-stretch ang katawan at braso.

Hmmmnn. Maganda naman talaga ang katawan ng kaibigan kong ito. May ibubuga. Pero kaibigan ko sya, bestfriend, pare, barkada.. Hindi syota. Aminado akong humahanga sa kanyang kakisigan subalit mas nanaig ang respeto ko sa kanya dahil sa kabutihan nya sa akin. Siguro kung sa ibang pagkakataon, kung hindi kami close baka pinatulan ko na sya. Kaya lang.. straight sya e. Ako si Eldon, 24 years old. Isang empleyado dito sa Makati. Kaibigan ko si Joey since college. Magkabarkada kami.

Sa grupo naming anim (apat na lalaki at dalawang babae) ay mas malapit kami ni Joey sa isa't-isa. Marahil ay mas marami kaming bagay na pinagkakasunduan. Kaya naman noong magpasya akong magtrabaho dito sa Makati ay sumama din sya at sabay kaming nag-apply. Natanggap ako bilang marketing assistant at sya naman ay accounting staff sa magkaibang kumpanya. Dalawang taon na kaming magkasama sa inuupahang studio-type dito rin sa Makati.

Maayos ang naging samahan namin ni Joey sa kabila ng pagkakatuklas nya sa aking lihim. Walong buwan na ang nakakalipas ng aksidenteng maiwan ko ang aking "Freshman" magazine sa ibabaw ng aking side table. Pag-uwi ko ng hapon ay nadatnan kong nakaupo si Joey sa kama ko at binubuklat ang mga pahina ng magazine. Magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko. Ang aking lihim!!! Napatingin sa direksyon ko si Joey. "Bro, ano 'to? Bakit meron ka nito?" tanong nya sabay pakita sa akin ng magazine. "Ah.eh. hiniram ko lang yan. Hindi sa akin yan." Alinlangang sagot ko. "'Tol, bakla ka ba?" seryosong tanong nya. "Ha?....: hindi ko malaman ang isasagot ko. Gusto kong maiyak sa hiya pero walang luhang pumapatak sa mata ko. Ang alam ko, pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan. "Sabi ko, bakla ka ba?" ulit nya. Hindi sya mukhang galit pero hindi rin naman sya mukhang natutuwa sa natuklasan.

Napayuko ako at marahang tumango... Handa na ako sa isusumbat nya. Kung sasapakin nya ako, aba, sasapakin ko rin sya. Wala akong atraso sa kanya para saktan ako. Ok lang sa akin na ipamukha nya ang paglilihim ko pero kung pisikal na, kaya kong lumaban. Pero ang totoo, malayong magkasakitan kami ng kaibigan kong ito. Nasa 5'7 ang height ko, 5'8" naman si Joey. Magkasing-laki lang ang aming mga katawan. "Oh. bakit nakayuko ka dyan? Nahihiya ka? Uy, ok lang sa akin yon, walang kaso. Hehehe!" "Haaa?!?" ako naman ang nagtaka. Napatingin ako kay Joey. Nakangiti ang kaibigan ko. Nagtatanong ang mga mata ko. "Sabi ko, walang kaso sa akin kung bading ka man. Basta wag mo lang akong re-reypin ha! Hahaha!" todo ang tawa ng loko. Nahimasmasan ako. Napangiti. "Gago! Bakit naman kita re-reypin eh unang-una, hindi kita type!" pambawing sagot ko.

"Ows? Malay ko, baka pinagnanasaan mo rin ako. Hehehe!" pang-iinis pa nya sabay hagod sa kanyang buhok at nagpa-cute. Natawa ako. Aaminin ko na noong unang makilala ko si Joey ay humanga na ako sa kanya. Hindi sya sobrang gwapo at lalong hindi sya panget. May natural syang appeal na talagang magugustuhan ng kahit na sino. Naniningkit ang mga mata niya pag siya'y ngumingiti at lumalabas ang dalawang biloy sa kanyang pisngi kasabay nito. Noong una, iniisip ko sya pag nagsasariling sikap ako pero ng lubos ko na syang nakilala ay parang nahihiya na ako na imadyinin ang hubad nyang katawan habang nagpaparaos. Eventually, nahinto rin ang pagnanasa ko sa kanya at napalitan ng tunay na pagkilala sa isang kaibigan. "Halika nga dito, upo ka dito." Aya ni Joey. Lumapit naman ako at naupo sa tabi nya. "Bakla ka ba talaga?" ulit nya sabay tawa.

"Sira! Pero po, noon ko pa gustong sabihin sayo kaya lang baka magalit ka eh." Sagot ko. "Tol, naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Ganyan din yung bunso kong kapatid pero mahal na mahal ko 'yon. Kaya pag may nanukso o nanloko nga sa kanya, gulpi aabutin sa akin." At inakbayan ako ni Joey. "Bro, salamat ha. Hindi ko talaga inaasahan 'to. Pero salamat talaga."

"Wala kang dapat ikabahala. Ikaw kasi, kung saan-saan mo nilalagay 'tong porno mo, ayan tuloy nakita ko. Ang lagkit...dikit-dikit na ang mga page. Yuck!!!" sabay abot sa akin ng magazine. "Hahaha! Luko-luko ka talaga. Akina nga yan." Sabay agaw ng magazine. "Pero alam mo 'tol, hindi talaga ako makapaniwala. Naka tatlong syota ka na a. Di ba?" "Wag ka ng magtanong pwede? Tanggapin mo na lang. Ok?" "Pikon!!! Hahahaha!" At binato ako ng unan ng damuho kong kaibigan sabay pasok sa banyo. Para akong nabunutan ng tinik sa pangyayari. Matagal ko na talagang ibig ilantad kay Joey ang aking pagkatao. Subalit nauunahan lagi ako ng takot at hiya. Ang inaakala kong magiging iba na ng pakikitungo si Joey sa akin simula ng mabunyag ang aking lihim ay hindi nangyari. Nanatili syang mabait at close pa rin kami. Walang nabago. Isang 'thank you' card ang ibinigay ko sa kanya at naglalaman doon ang lahat ng bagay na gusto kong sabihin sa kanya.

"Bro, salamat sa pang-unawa. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya dahil sa kabila ng lahat, tinanggap mo pa rin ako bilang isang kaibigan. Hindi ko sasayangin ang pakikisamang ipinagkaloob mo sa akin. Tatanawin kong malaking utang na loob ito."

Napakasarap pala sa pakiramdam kapag ang itinuturing mong matalik na kaibigan ay tinaggap ang pagkatao mo ng walang panghuhusga. Naging simula iyon ng pagiging mas transparent ko pa kay Joey. Hindi na ako nag aalinlangang sabihin sa kanya kung may crush ako kay ganito or kay ano. Hindi na rin ako patagong bumibili ng mga magazine o nanonood ng Binibining Pilipinas sa tv at mag-pretend na 'naaakit ako sa kanila'. "'Tol pag may nanloko sa 'yo, sabihin mo lang, ako bahala." paalala sa akin ni Joey. "Wow naman, sweet naman ng bestfriend ko." Sagot ko sa kanya. "Oo naman, pag niloko ka, sumbong mo sa akin... kukurutin ko ang mga malalanding 'yon! Hahaha!" biro nya. "Hahaha! Gago!" sigaw ko kay Joey. "Honestly bro, I will always be here for you. That's how important you are to me." Na-touch naman talaga ako sa sinabi ni Joey. No question about his sincerity because I know this guy for quite sometime. "Thanks bro. thanks." Tanging naisagot ko.

Kahit lumantad na ako kay Joey ay hindi naman ako nagpaka-bading ng tuluyan. Ipinakiusap ko kay Joey na sa amin na lang muna yon at wag sabihin sa barkada. Sumang-ayon naman sya. Maayos ang trato sa akin ng kaibigan ko. Hindi nya ako binabastos o iniinsulto. Of course may mga biruan, pero lahat ng ito ay sa amin lamang at lagi nyang isinasa-alang-alang ang aking damdamin. Noong magkaroon ako ng unang nobyo, si Jerry ay ipinakilala ko ito kay Joey. Nakakatuwa nga dahil daig pa sa kapatid ang pagpapaalala ni Joey. 'Tol, ingatan mo yang bestfriend ko ha. Wag mong lolokohin." Sabi nito kay Jerry. Lihim kong kinurot si Joey sa sinabi pero natuwa ako. Flattered sa turing sa akin ng aking kaibigan. Sabi nga ni Jerry ay swerte ako sa pagkakaroon ko ng kaibigang katulad ni Joey. Kahit kay Ria, na sariling girlfriend ay hindi sinabi ni Joey ang tungkol sa akin. Pinangatawanan nya ang pangakong ililihim ito.

Tinanaw kong malaking utang na loob ito sa aking kaibigan. Eksaktong tatlong buwan kami ni Jerry ng matuklasan ko ang isang bagay. Mayroon syang iba maliban pa sa akin. Napakasakit. Nagmahal ako ng tapat pagkatapos ay sa ganoong paraan pa ako masasaktan. Hindi lamang mga mata ko ang lumuha, pati na rin ang aking puso.

Nadatnan ako ni Joey na umiiyak. Ayoko sanang sabihin sa kanya subalit dahil itinuring ko na syang parang kapatid kaya sinabi ko sa kanya ang buong katotohanan. "Ang gagong yon! Manloloko lang pala, hindi pa namili ng kakatalunin nya!" galit na tinuran ni Joey. "Ok lang bro. Maayos ko rin ang sarili ko. Makakalimutan ko rin sya." "Pero bro, hindi ka nya dapat sinaktan sa ganoong paraan." Sagot nya sa akin. "Hayaan mo na. Bukas, ok na ako." Paliwanag ko sa kanya. Ang katotohanan ay hindi naging maayos ang aking araw kinabukasan pati na ang mga sumunod na araw. Isang linggo, dalawa.. Masakit pa ring isipin na niloko ka ng taong minahal mo. Alam kong hindi ko naikubli kay Joey ang tunay kong nararamdaman. Mabuti na lamang at hindi sya nagtatanong. Mabuti na lamang at naging busy sya nitong mga nakaraang araw. Ipinangako ko sa aking sarili na iyon na ang huling araw ng aking pagluluksa. Dapat akong bumangon at magsimula - tatlong linggo na.

Nahinto ang aking pag-iisip sa mga sunod-sunod na katok sa pintuan. Binuksan ko ito. Si Jerry. "Nandyan ba si Joey?" tanong nya. "Ikaw pala. Wala sya. Bakit?" tanong ko. Nabigla ako sa kanyang pagdalaw. Hindi ko inaasahan. "Yang gagong kaibigan mo, sabihan mong layuan si Dave!!!" galit na sigaw nya sa akin. Nalilito ako. Si Dave? "Sinong Dave? Yung ipinagpalit mo sa akin?" tanong ko. Medyo natigilan sandali si Jerry pero bumalik din ang tapang ng mukha, "Oo, akala ko ba straight 'yang walang hiyang barkada mo? Bakit kinakalantari nya ang syota ko?!?" "Jerry, please wag kang sumigaw. Naguguluhan ako." Hindi ko napansin ang pagdating ni Joey. Nagulat na lamang ako sa sumunod na pangyayari. Sinuntok ni Jerry si Joey. Bumagsak sya sa sahig subalit mabilis ding bumangon at nakaganti ng suntok si Joey. Inawat ko ang dalawa. Nagsimula silang murahin ang isat-isa. Isang malakas na suntok pa ang pinakawalan ni Joey at nagmamadali ng umalis si Jerry.

Todo ang hingal ni Joey, inalalayan ko syang makapasok sa loob. Wala kaming imikan. Pagkaupo nya sa kama ay kumuha ako ng yelo at inilagay sa bimpo. Lumapit ako sa kanya at sinimulang dampian ang kanyang noo na tinamaan ng suntok ni Jerry. "Sinaktan ka ba nya?" Tanong sa akin ni Joey. "Hinde. Bakit Joey? Ano ba talaga ang nangyari." "Bro, iginanti lang kita." "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko. "Mahabang kwento." Iwas nya. "Makikinig ako. Gusto kong maliwanagan." Ipinagtapat sa akin ni Joey na may mga bagay syang ginawa na lingid sa aking kaalaman. Nitong mga nakaraang araw na abalang-abala sya ay gumawa pala sya ng paraan upang makilala ang lalaking ipinagpalit sa akin ni Jerry - si Dave. Nagawa nyang makipagkilala dito at mapalapit ang loob. Sa sandaling panahon ay naakit ito ni Joey at napa-ibig hanggang sa hiwalayan na rin nito si Jerry. Napagtagpi-tagpi ko na ang mga pangyayari.

Hindi ako makapaniwalang nagawa ito ni Joey. "Pero bakit bro? Hindi mo na dapat ginawa iyon." "Tama lang yon sa kanila. Manloloko sila kaya karma lang ang inabot nila." "Sira ka talaga. Tingnan mo, nasapak ka tuloy." "Ok lang bro. Pasa lang yan. Lilipas din. At least naipamukha natin sa gagong Jerry na 'yon kung gaano kasakit maloko.

Ngayon, palagay na ko dahil naipaghiganti na kita sa kanila." "Kahit na. E paano kung hindi lang sapak ang inabot mo?" "Ako pa! Hindi mo ba nakita 'yung ginawa ko sa kanya. Takot lang non na banggain ako." Nakangising sagot nya. "Ang yabang mo ha! Kung hindi ko pa nakitang sadsad ka sa hallway kanina. Hahaha!" "Naunahan lang ako no'n. Isang 'right hook' ko lang taob yon." Sabay mwestra na parang boksingero. "Right hook ka dyan!" Sabay bato ko sa kanya ng unan. Hindi nagpatalo ang mokong at binato rin ako ng unan. Noon ko napatunayan kung hanggang saan ako kayang ipaglaban ng aking kaibigan. "Salamat bro." nakangiti kong sabi sa kanya. "Anong salamat? Hoy, tumawag ka na ng Pizza, sagot mo dinner ko! Hahaha!" Pinagmasdan ko si Joey. Ang swerte ko sa kaibigan kong ito.

"Uy, bakit mo ko tinitingnan ng ganyan? Type mo 'ko no?" "Hindi ah. Iniisip ko lang kung ano na ang ginawa ninyo ni Dave. Nag-sex na ba kayo? Hahaha!" ako naman ang mang-aasar, after three weeks ngayon lamang uli nanumbalik ang aking sigla. "Loko mo! Uy, pinakagat ko lang 'yon para mai-ganti ka. Hindi pa nya ko natitikman. Ni hindi nya nahawakan ang dulo ng daliri ko. Virgin pa ko! Hahaha!" "Ows?" panunuyo ko sa kanya. "Hahaha! Nagtaka ka pa!"

Natapos ang maaksyong hapon na 'yon na may ngiti sa aking mga labi. Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng insidenteng nangyari sa pagitan nina Joey at Jerry. Maliwanag na sa akin ang lahat. Tapos na rin ang paghihinagpis ko sa ginawa sa akin ni Jerry. Subalit sadyang hindi pa yata tapos ang tila telenovelang bahagi ng aking buhay. Ako naman ang nagulat ng isang gabing umuwi ako mula sa pag o-overtime sa opisina. Dinig ko ang boses ni Joey sa labas ng bahay, may kausap sya.

Sa halip na pumasok agad ay nagpasya akong makinig muna. "Paano mo nalamang dito ako nakatira?" tinig ni Joey. "That's not important. Bakit mo ako iniiwasan?" sabi ng misteryosong lalaki. "Ayoko na! Mahirap bang intindihin 'yon?" sagot ni Joey. "Joey please, I love you! Don't do this to me." Nakikiusap na ang boses ng lalaki.

Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa. Natatawa ako sa aking mga naririnig. Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto. "Huh. ah kanina ka pa?" tanong sa akin ni Joey. "Medyo, ah. sige. Aalis muna ako." Paalam ko. "No, wag kang umalis. Halika dito sa loob." Hila sa akin ni Joey. "Who is he?" medyo sarkastikong tanong ng lalaking kausap ni Joey. "Sya si Eldon, bagong boyfriend ko!" sabay akbay sa akin ng luko-luko kong kaibigan. Nagulat ako sa sinabi ni Joey. Pinilit kong hindi matawa. Nakisakay na lang ako sa kung ano mang drama nya. "Bagong boyfriend?" nagtatakang tanong ng lalaki. "Oo, bagong boyfriend ko. Mahal ko sya kaya layuan mo na ako." At talagang kinarir ng mokong ang pagpapanggap.

"Ah. eh. sino sya, LOVE?" inakbayan ko rin si Joey at feeling extra sweet. "I'm DAVE! Boyfriend ni Joey!" Dave? Ito ba si Dave? Ang Dave na ipinagpalit sa akin ni Jerry. Putsa, ngayon ko lang napagmasdan ang bruhong umagaw sa syota ko. Ang sarap lamukusin ng mukha. Ang taray ng dating. In fairness, may hitsura ang Dave na 'to. Hindi sya mukhang bading. Maputi at mukhang may kaya. Pero mang-aagaw sya. Ahas!

"Is that so? Hayan, papiliin natin si Joey kung sino sa atin." At napasubo ako sa ingles! Ang Joey, akala mo artistang bangag sa drama. "Dave please, umalis ka na. I'm in love with Eldon na." matigas na sabi ni Joey. "I don't believe you. Joey please stop this at once!" muling pakiusap ni Dave. Nagtaka ako kung ano ba ang ipinakain ng damuhong kaibigan ko sa lalaking ito at ganito katindi ang pangungunyapit na ayaw syang iwanan. "Ayaw mong maniwala? Eto." at nagulat na lang ako sa ginawa ng kaibigan ko. HINALIKAN AKO NI JOEY SA LABI!!! SYEEEETTTT!!! Nakita ko kung paano nagulat si Dave. Napanganga sya sa nasaksihan. "THIS IS STUPID! Bahala na kayo!" sabay alis ni Dave dire-diretso sa pinto at pabagsak na isinara ito. BLAAAGGG!!!!

"HAHAHAHAHA!!!!" todo ang tawa ni Joey pagkaalis na pagkaalis ni Dave. "Hoy, ano yon ha?" usisa ko. "Ang alin?" tanong nya sa akin. "Bakit mo ko hinalikan? Kasama ba sa 'script' yon?" tanong ko. "Ah, yun ba? Syempre para mas realistic! Teka, nagtatanong ka pa eh mukhang nag enjoy ka naman. Hehehe!" "Ako? Mag enjoy? Eh, parang halik ng patay. Bro, you're such a lousy kisser! Hahaha!" "Ganon? Teka, uuuy, you're just teasing me para halikan kita uli..uuuyyy. Hehehehe!" "Dream on.." sagot ko. ". pero bro, seriously, pasensya ka na ha, napasali ka pa sa gulo because of me." sabi ko kay Joey. "Wala 'yon. Sabi ko sa 'yo, I will do anything for you. Wag mo ng isipin 'yon." Ayoko na nga sanang isipin pero natatawa ako sa insidente lalo na ng halikan ako ni Joey. Ang gago, ang lambot-lambot ng labi. Hehehe! But still, I dismissed the idea na maulit muli yung halikan. Ginawa nya lang yon because of the situation. Kung kami lang, malabong mangyari yon.

Patuloy ang buhay. Nagpasya akong mag-lie low sa dating. Concentrate muna ako sa work. Pagkatapos ng trabaho, diretso ako sa bahay. Naalala ko, 1st day nga pala ni Joey sa assignment nya sa probinsya. Nagpaalam sya at umalis na kaninang umaga. Two weeks sya sa Bacolod. Nakita ko 'yon as an opportunity para makapagdala ng mga lalake sa bahay. Hahaha! Sige, pasok sa chatroom. Tatlong gabing magkasunod. tatlong iba't-ibang lalake. Nasiyahan ako, oo pero may kulang.

Dahil kaya pawang libog at pagpaparaos lang ang naganap? Hindi ko alam. Pagkatapos ni Jerry, hindi na ako masyadong nagseryoso. Tikiman lang. Iyon naman ang kadalasang laro, walang seryosohan. Magmahal ka, gagaguhin ka. Eh di ganito na lang pare-pareho na lang tayong mag gaguhan. Kahit ako ay nabigla sa naging takbo ng aking pananaw sa pakikipag relasyon. Marahil namulat lamang ako sa isang masakit na katotohanan. Eksaktong isang linggo, naiinip na ako, dahil sa loob ng ilang taon ng aming pagkakaibigan ay hindi pa kami nagkahiwalay ng ganito katagal. Nakadagdag pa ang madalang na pagte-text ng mokong. Nakakainis pa dahil puro 'k' at 'yup' lang ang sagot. Sobrang tipid sa salita. Nakaka-miss din yung mga pang-iinis nya sa akin at pati na ang mga kalokohan nya. Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa dumating ang araw ng pagbalik ni Joey. Excited akong umuwi galing sa opisina. Alam kong daratnan ko sya doon. Pero ako ang nagulat sa aking pagdating. Wala ang kaibigan ko.

Nakita ko ang dalawang bag nya, ang mga pasalubong sa lamesa, palatandaan na nakauwi na sya pero wala sya sa loob ng bahay. Para namang sagot sa katanungan ko ang isang text message mula sa kanya.

"Bro, punta muna ko kina Ria. Bigay ko yung pasalubong ko. See you later." Parang may kurot sa puso ko ang mensaheng iyon pero hindi ko maipaliwanag. Nagseselos ba ako? Bakit? Hindi naman siguro. Dahil marunong akong magluto ay naghanda na ako ng hapunan para sa aming dalawa. Lumipas ang oras, alas-otso, alas-nuwebe, alas-onse, ala-una. Nakatulog na ako sa paghihintay kay Joey. Isang malakas na katok ang gumising sa mababaw kong pagkakahimbing. Binuksan ko ang pinto. "Joey? Bro? Ano nangyari sa'yo?" pinagmasdan ko ang aking kaibigan. Halatang nakainom. "Uyyy, bro. Musta.. Gising ka pa pala." bati nya sa akin. "Eh bakit hindi ako magigising eh ang lakas ng katok mo sa pinto. Asan ba ang susi mo? Tsaka bakit ganyan hitsura mo?" tanong ko. Pumasok si Joey sa loob at sinundan ko sya. Pasalampak na naupo ito sa sofa at ako naman ay pumunta sa maliit naming kusina upang ipagtimpla sya ng kape.

"Sorry bro ha. Naabala kita." sagot nya. "Ano ba problema mo? Bakit ka uminom eh hindi ka naman sanay." Tanong ko. "Break na kami ni Ria." Simpleng sagot nya. "Haa?" nagulat ako sa sinabi nya. Ayokong sundan ng mga tanong ang sagot nya. Hindi tamang usisain ko ang buong pangyayari. Wala sya sa katinuan. Inalalayan ko na lamang syang makarating sa kanyang kama na katabi lamang ng higaan ko.

Tinulungan ko na syang hubarin ang kanyang sapatos at polo. Mabilis syang naidlip. Pinagmasdan ko ang mukha ng aking kaibigan. Nakalarawan dito ang bigat na dinadala. Nakaramdam ako ng awa sa kanya at hindi ko napigilang umiyak. Kinaumagahan ay tulog pa rin si Joey. Kailangan kong pumasok ng opisina at ayoko namang gisingin sya. Kailangan nyang magpahinga. Ininit ko ang pagkaing niluto ko kagabi at lumisan na ako para pumasok. Buong araw ay inisip ko ang kalagayan nya. Gusto kong mag-text subalit naisip ko na baka kailangan nya munang mapag-isa. Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Joey sa bahay. Binati nya ako at ginantihan ko rin sya ng bati. Nakapagtataka, parang kagabi lang eh halos magpakalunod sa alak ang mokong na ito bakit ngayon ay tila ok na? Kunsabagay, ganito naman lagi ito pag nakikipag-break sa syota. Madaling maka-recover, nakakagulat nga.

"Uy, mukhang ok na tayo a?" Bati ko. Ngumiti sya sa akin. "Sya nga pala, sorry kagabi ha." Sagot nya. "Wala 'yon, ikaw pa!" sabi ko. Tumingin sya sa akin. Matagal.

Nagtataka naman ako. "Bro." "O, bakit.?" tanong ko. "Bro, hindi ka ba nalilibugan sa akin?" "Gago!!!" sagot ko kay Joey sabay tawa. Nagulat ako sa tanong nya. Parang kagabi lang eh, halos maiyak ito, pero ngayon eh kung anong kabulastugan ang itinatanong. Ito talagang si Joey very unpredictable. Lumakad sya papalapit sa akin. Napansin ko na pawisan na sya dahil sa ginawang pag e-ehersisyo. Nakita ko seryoso ang mukha. "Uy, walang ganyanan ha!" paalala ko sa kanya. Tumayo siya sa harap ko. Hindi ako makakilos. Kinuha nya ang aking kanang kamay at nagulat akong muli ng ipatong nya iyon sa kanyang harapan. Iginiya niya ang mga palad ko na damhin ang kanyang pagkalalaki. Nawalan ako ng lakas na agawin ang aking kamay. "Bakit?...." tanong ko sa kanya habang nakatitig sya sa aking mga mata. Naghihintay ako ng paliwanag, ng eksplanasyon mula sa kanya.

Napakalaki ng utang na loob ko kay Joey at mahal ko ang aking kaibigan, kung kailangan nya ako upang magparaos at magpalipas ng init ng katawan ay hindi ko sya tatanggihan. Kulang pa iyon sa mga naitulong at kabutihan nyang ginawa sa akin. Kung nakaya kong paligayahin ang ilang kalalakihang ni hindi ko kakilala, paano pa kaya ang isang kaibigang naging sandalan ko sa matagal na panahon. Subalit hindi ko inakalang aabot kami sa ganito.

Hangga't maaari ay iniiwasan kong may mangyari sa amin. Alam ko na pag nahaluan na ng kamunduhan ang aming pagkakaibigan ay iyon na rin ang simula ng pagkakaroon ng lamat nito. Hindi sumagot si Joey. Binitawan nya ang aking kamay subalit pinagpatuloy ko ang pagdama sa kanyang kaselanan. Inihanda ko ang aking sarili upang magpa-alipin sa kanya, upang makalimot sya. "Ito ba talaga ang gusto mo bro?" tanong ko. Nakita ko ang pagpatak ng mga luha nya. Niyakap nya ako ng mahigpit. Naguguluhan man ay inalo ko ang aking kaibigan.

Dama ko ang pagpintig ng puso nya sa aking dibdib. Dama ko ang luha nya na bumasa sa aking mga pisngi. Dama ko ang bigat ng loob na kanyang dinadala. "Mahal kita bro. mahal na mahal." kahit tila bulong ang kanyang salita ay dinig na dinig ito ng aking puso. Ramdam ko ang sinseridad ng mga katagang sinabi nya. Bumitiw sya ng yakap sa akin at pinagmasdan ako. "Natakot ako bro. Natakot ako sa aking naramdaman, lalaki ako, imposible, pilit kong itinanggi na may pagtingin ako sa'yo! Sa loob ng dalawang linggong pagkakahiwalay natin, doon ko na-realize na mahal pala kita. Alam ko, malayong magustuhan mo ako. Dahil kung sakali man. Dapat noon pa, noon pa, sorry bro.. hindi ko sinasadya. Sorry.."

Gusto kong magsalita subalit hindi ko malaman kung ano ang aking sasabihin. Naramdaman ko na lamang ang kusang pagbalong ng aking mga luha. Noon ko napatunayan, ang matagal ko ng hinahanap ay nasa aking harapan. Ang inaasam kong kaligayahan sa kandungan ng iba ay abot-kamay ko lamang... Si Joey. Inilapat ko ang aking mga labi sa kanyang mga labi. Isang masuyong halik ang sinagot ko sa kanya. Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo ng mga oras na iyon. Walang salitang makasasapat sa ligayang aking nadarama. Hinayaan kong ang mga puso na lamang namin ang mag-usap. Pinahid ko ang kanyang mga luha at ibinulong ang mga katagang mula sa aking puso. "Gago ka talaga bestfriend..mahal din kita eh. Mahal na mahal."

Thursday, January 1, 2009

Welcome

Friends, I just wanted to collect and share the best Bisexual love stories I have found on the net. If you think you've found one that is worth posting, please share yours by sending me a message. Also, I do not claim ownership of these stories.

Warning : some of the stories may contain adult/matured content.

Happy new year to all!

Enjoy!